Bukas-kotse suspect patay sa shootout sa Maynila

Patay ang isang umanoy suspect sa bukas-kotse matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Maynila Sabado ng madaling araw.

Nagsasagawa ng routine inspection ang mga pulis sa Malate area at pagdaan nila malapit sa Rizal Memorial Stadium ay may tumunog na alarm ng sasakyna.

Nakita ng mga pulis na binuksan ng lalaki ang isang itim na SUV.

Nang lapitan ang suspek ay nagpaputok ito kaya gumanti ang otoridad, dahilan ng pagkamatay ng lalaki.

Ang suspek ay nakasuot ng itim na T-shirt, pink na short at sombrero.

 

Read more...