Big-time oil price hike nakaamba sa susunod na linggo
Inaasahang aaray ang mga motorista sa magiging pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng industry sources na ipinaabot sa grupong Laban Konsyumer Inc., nasa pagitan ng P1.60 hanggang P1.80 ang itataas sa presyo ng diesel.
Ang presyo naman ng gasolina ay tataas ng P2.10 hanggang P2.30.
Ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ay epekto umano ng pag-atake sa oil fields sa Saudi Arabia.
Sa kanyang mensahe sa mga mamamahayag, sinabi ni LKI president Atty. Vic Dimagiba na ang Dubai crude ay nagmahal pa sa $62.93 per barrel mas mataas sa $62.32 per barrel noong Huwebes.
Inaasahang mag-aanunsyo na ng price adjustments ngayong weekend ang mga kumpanya ng langis at epektibo ang taas-presyo araw ng Martes.
Magugunitang nito lamang nakaraang Martes, Sept. 17, ay nagtaas din ng presyo sa gasolina ng P1.35 kada litro at P0.85 kada litro naman sa diesel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.