Martin del Rosario: Mga miyembro ng LGBTQ+ community may karapatang umibig
Nagpahayag ang aktor na si Martin del Rosario ng suporta sa karapatang umibig ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.
Ayon kay Del Rosario, na itinanghal na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 best actor para sa “Panti Sisters,” ito ang malinaw na mensahe ng pelikula nila nina Paolo Ballesteros at Christian Bables.
Ayon kay Martin, lahat ay may karapatang magmahal anuman ang sexual orientation.
“We all have the right to love another person, regardless of whatever sexual orientation we prefer,” pahayag ng aktor matapos ang PPP 2019 Gabi ng Parangal sa Pasay City.
Iginiit ni Martin na dapat na ipakita ng LGBTQ members kung may minamahal sila para alam ng publiko na posible ang naturang uri ng pag-ibig sa totoong buhay.
Pero dahil walang batas sa bansa na pwede ang same sex marriage, sinabi ni Martin na dapat hayaan ang mag-partner na ipakita ang kanilang pagmamahalan sa paraan na gusto nila.
Kung hindi anya pwede sa simbahan ay maaaring magkaroon na lamang ng kontrata at pangako sa isa’t isa ang same sex couple kaugnay ng kanilang pagmamahalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.