Daan-daang libong deboto ang inaasahang dadagsa sa fluvial procession ngayong araw ng mga imahen ng Ina ng Bicolandia – ang Birhen ng Peñafrancia at Divino Rostro (Holy Face of Jesus).
Ang fluvial procession mamayang alas-4:00 ng hapon sa Naga River ay ang highlight ng taunang Peñafrancia Festival.
Ibabalik na ang mga pinagdedebosyonang imahen sa Basilica Minore matapos dalhin sa Naga Metropolitan Cathedral para sa novena masses sa pamamagitan ng Traslacion noong September 13.
Bukas, araw ng Linggo ang Dakilang Kapistahan ng Birhen ng Peñafrancia kung saan isasagawa ang serye ng pontifical masses.
Una nang sinabi ni Naga City Mayor Nelson Legacion na inaasahang aabot sa apat na milyong deboto at turista ang bilang ng makikiisa sa Peñafrancia festival ngayong taon.
Samantala, nasa Naga City na rin si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia, D.D. para makiisa sa pagdiriwang ng kapistahan.