P30B posibleng mawala sa meat processing industry dahil sa epekto ng African Swine Fever

By Rhommel Balasbas September 21, 2019 - 02:35 AM

File photo

Posibleng mabawasan ng nasa P30 bilyon ang kita ng meat processing industry sakaling ituloy ang ban sa processed meat ng piling mga lalawigan dahil sa pangamba sa African Swine Fever (ASF).

Sa isang pulong balitaan araw ng Biyernes, sinabi ni Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI) Vice-President Jerome D. Ong na mababawasan ng 5 hanggang 10 porsyento ang kita ng P300-billion meat industry sa bansa.

“…Maybe the P300 billion sector will shrink from anywhere between five to 10%… It will go down to about P270-P285 billion, rough estimate, from which will hopefully recover,” ani Ong.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng total ban sa pork at pork products ng mga lalawigan ng Cebu at Bohol dahil sa mga ulat ng ASF outbreak.

Ayon kay Ong, ang Cebu at Bohol ay bumubuo sa 10 hanggang 15 porsyento ng pambansang kita sa processed meat.

Naniniwala ang PAMPI na sakaling magpatuloy ang ban sa processed meat ay aaray ang pambansang ekonomiya.

“The national economy will be seriously damaged if LGUs (local government units) persist in imposing an unnecessary and unwarranted ban,” dagdag ni Ong.

Tinawag ng PAMPI na “unnecessary” at “unwarranted” ang ban dahil ang raw pork na ginagamit sa meat processing industry ay 90-95% galing naman sa mga lugar na ASF-free.

Bukod sa malulugi sa industriya, makakaapekto rin sa 150,000 direct employment ang ban sa meat products

Dahil dito, umapela ang PAMPI sa national government na gumawa ng polisiya at guidelines na sasaklaw sa movement, distribution at pagbebenta ng meat at pork-based products sa bansa.

 

TAGS: African Swine Fever, ban, direct employment, kita, lugi, mawala, meat processing industry, meat products, P30 billion, PAMPI, African Swine Fever, ban, direct employment, kita, lugi, mawala, meat processing industry, meat products, P30 billion, PAMPI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.