Magat Dam sa Isabela nagpakawala na ng tubig

By Rhommel Balasbas September 21, 2019 - 01:53 AM

Dahil sa walang tigil na pag-uulan, napuno na ang Magat Dam at kinailangan nang magpakawala ng tubig araw ng Biyernes.

Ayon kay Engineer Edwin Viernes ng National Irrigation Administration (NIA) flood forecasting division, umabot na ang antas ng tubig sa dam sa 192.05 meters level, mas mataas kumpara sa normal water level na 190 meters.

Dahil dito, sinimulan nang magpakawala ng 100-cubic-meter-per-second na tubig mula sa dam kung saan binuksan ang isang isang one-meter-high spillway gate.

Diretso ang tubig sa Magat River.

Ang inflow ay pumalo sa 577 cubic meters per second habang ang outflow ay umabot sa 763 cubic meters per second.

Dahil sa pagpapakawala ng tubig, pinayuhan ang mga residente sa bayan ng Ramon na mag-ingat sa posibilidad ng pagbaha.

 

TAGS: 190 meters, 192.05 meters level, inflow, isabela, Magat Dam, Magat River, nagpakawala ng tubig, National Irrigation Administration, normal water level, one-meter-high, outflow, pagbaha, Ramon, release, spillway gate, 190 meters, 192.05 meters level, inflow, isabela, Magat Dam, Magat River, nagpakawala ng tubig, National Irrigation Administration, normal water level, one-meter-high, outflow, pagbaha, Ramon, release, spillway gate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.