Mayor Isko pinatiketan ang mga truck na iligal na dumadaan sa Moriones, Tondo

By Len Montaño September 21, 2019 - 12:25 AM

Screengrab of Mayor Isko Moreno FB live

Hindi bababa sa sampung truck ang nasampolan ni Manila Mayor Isko Moreno dahil sa paglabag sa kautusan na bawal silang dumaan sa kanto ng Road-10 at Moriones sa Tondo.

Sa gitna ng malakas na ulan Biyernes ng gabi, tinungo ni Moreno ang lugar at pinagalitan at pinatiketan ang lahat ng truck dahil sa pagdaan at pananatili sa lugar.

“Bawal kayo dito…ang titigas ng ulo niyo…kutusan ko kayo e,” ilan sa mga nasabi ng galit na alkalde.

Una rito ay nagbabala si Moreno na sa susunod na linggo ay sasampolan niya ang grupo ng mga truckers dahil sa hindi pagsunod ng alituntunin sa Maynila.

“Mandaraya at nang-iisa itong mga truckers,” pahayag ni Mayor Isko sa kanyang Facebook live.

Ayon sa alkalde, walang kwentang kausap ang mga truckers dahil hindi nila kayang isawata ang kanilang hanay.

May isang driver pa ng truck ang nagpakita ng dokumento kay Moreno pero tinanong ito ng alkalde kung may nakasaad na pwede silang dumaan sa Moriones, bagay na hindi nagawa ng driver.

Nagalit din si Moreno sa presintong nakakasakop sa lugar dahil natutulog lang anya sa pansitan at pinapanood lang ang kanyang FB live.

Samantala, sa gitna ng pagdumog ng mga residente para magpakuha ng larawan ay dalawang binatilyo ang pinakuha ng alkalde sa mga pulis at pinadala sa presinto dahil sa hinalang wala pa silang 18 anyos.

Pinaalalahanan ni Mayor Isko ang mga ito sa umiiral na curfew sa lungsod.

TAGS: bawal dumaan, curfew, driver, galit, Mayor Isko Moreno, moriones, sampolan, tiket, Tondo, truck, truckers, bawal dumaan, curfew, driver, galit, Mayor Isko Moreno, moriones, sampolan, tiket, Tondo, truck, truckers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.