Mahigit 2,000 kawani ng gobyerno nabigyan ng libreng sakay sa MRT-3

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na mahigit 2,000 na mga kawani ng gobyerno ang nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3 araw ng Huwebes.

Ayon sa DOTr, nasa 2,208 ang kabuuang bilang ng mga government employees na libreng nakasakay sa MRT-3.

Ipinagkaloob ang libreng sakay mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ang libreng sakay sa MRT-3 ay bilang pakikiisa sa ika-119 na anibersaryo ng Philippine Civil Service (PCS).

Nakasakay ng libre sa MRT-3 ang mga nagtatrabaho sa pamahalaan matapos nilang ipakita ang kanilang government ID.

 

Read more...