Mahigit 2,000 kawani ng gobyerno nabigyan ng libreng sakay sa MRT-3

By Len Montaño September 20, 2019 - 11:32 PM

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na mahigit 2,000 na mga kawani ng gobyerno ang nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3 araw ng Huwebes.

Ayon sa DOTr, nasa 2,208 ang kabuuang bilang ng mga government employees na libreng nakasakay sa MRT-3.

Ipinagkaloob ang libreng sakay mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ang libreng sakay sa MRT-3 ay bilang pakikiisa sa ika-119 na anibersaryo ng Philippine Civil Service (PCS).

Nakasakay ng libre sa MRT-3 ang mga nagtatrabaho sa pamahalaan matapos nilang ipakita ang kanilang government ID.

 

TAGS: anibersaryo, dotr, kawani ng gobyerno, libreng sakay, mrt-3, Philippine Civil Service, anibersaryo, dotr, kawani ng gobyerno, libreng sakay, mrt-3, Philippine Civil Service

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.