Bagyong Nimfa napanatili ang lakas ngunit bumilis ang pagkilos
Napanatili ng Severe Tropical Storm “Nimfa” ang lakas nito ngunit bumilis naman ang pagkilos.
Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 650 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sda 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometro kada oras.
Kumikilos na ang bagyo sa bilis na 10 kilometro bawat oras sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo Sabado ng umaga.
Ngayong gabi hanggang bukas ng gabi, ang southwest monsoon o Habagat ay magdadala ng pabugso-bugsong mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang mga pag-ulan sa CALABARZON, Metro Manila, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at northern portion ng Palawan kasama ang Calamian Islands.
Paminsan-minsang mahihina hanggang katamtaman na may kalat-kalat na malalakas na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat naman ang mararanasan sa locos Region, Cordillera Administrative Region, Marinduque, Oriental Mindoro, Camarines Provinces, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga mabababang lugar sa panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, nakataas pa rin ang gale warning at nananatiling mapanganib ang paglalayag sa seaboards ng Northern at Central Luzon at eastern seaboard ng Southern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.