Pulis, umanoy magnanakaw patay sa shootout sa Isabela

By Len Montaño September 20, 2019 - 10:45 PM

Parehong nasawi ang isang pulis at isang hinihinalang magnanakaw sa shootout sa Ramon, Isabela Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Police Staff Sergeant Richard Gumarang at ang robbery suspect na si alyas Cris.

Arestado naman ang dalawa pang suspek na sina Jayson Saringan, 29 anyos at Edmar De Castro, 32 anyos habang nakatakas ang isa pa.

Ayon kay Police Captain Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Police, inalerto ang pulisya ukol sa pagnanakaw ng apat na katao sa Tuguegarao City kabilang ang napatay na suspek.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek pero nakipagbarilan ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ng pulis at suspek.

Narekober ng pulisya ang pulang Toyota Innova na ginamit ng mga suspek at nakita sa sasakyan ang isang M-16 rifle.

 

TAGS: 1 nakatakas, 2 arestado, hinabol, isabela, M-16 rifle, nagkabarilan, Pulis, robbery suspect, shootout, 1 nakatakas, 2 arestado, hinabol, isabela, M-16 rifle, nagkabarilan, Pulis, robbery suspect, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.