47th anniversary ng martial law sinabayan ng protesta

Photo by Nestor P. Burgos Jr./INQUIRER VISAYAS

Sinabayan ng protesta sa iba’t ibanag bahagi ng bansa ang ika-47 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos araw ng Biyernes.

Sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, libo-libo ang nagprotesta at sumigaw ng “never again.”

Nagdulot naman ng trapik ang martsa ng mga raliyista mula Mendiola papuntang Luneta.

Habang sa UP Diliman sa Quezon City ay mga kabataan ang nagrally kabilang ang mga estudyante ng unibersidad.

Nagsagawa rin ng mga rally sa ilang probinsya na dinaluhan ng mga naging biktima ng karahasan at pagmamalupit noong umiiral ang batas militar.

Sa Western Visayas, mahigit 2,000 ang sumali sa protesta na pinangunahan ng iba’t ibang militanteng grupo.

Bitbit ang mga placards at streamers, binatikos ng mga nagprotesta ang pagbalik sa kapangyarihan ng pamilya Marcos sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinondena rin ng mga raliyista ang pagpatay sa mga aktibista at drug suspects at ang pag-atake sa mga mamahayag.

 

Read more...