BREAKING: Panukalang P4.1T 2020 national budget aprubado na ng Kamara

By Erwin Aguilon September 20, 2019 - 09:01 PM

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang P4.1 trillion 2020 General Appropriations Bill.

Sa botong 257 YES, 6 NO at 0 ABSTAIN lumusot ang House Bill 4228 o ang 2020 General Appropriation Bill.

Walang binago ang Kamara sa isinumiteng National Expenditure Program ng Department of Budget and Management (DBM).

Nangunguna ang edukasyon at infrastructure ang may pinakamalaking paglalaan ng panukalang 2020 National budget.

Sa nasabing halaga, P673 billion ang mapupunta sa DepEd kabilang ang para sa mga State Colleges and Universities (SUC), CHED at Tesda.

P534.3 billion ang para sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ikatlo ang para sa Department of Interior and Local Government (DILG) na may P238 billion, ikaapat ang Department of Social Welfare and Development na may pondong P195 billion, ikalima ang Department of National Defense (DND) na may panukalang pondo na P189 billion.

Ika-anim sa may pinamalaking paglalaanan ng pondo sa susunod na taon ang Department of Health na P166.5B na sinundan ng Department of Transportation (DOTr) na P147 billion, pang walo ang Department of Agriculture na may P56.8 billion, ika-siyam ang sangay ng Hudikatura na may pondong P38 billion at pang sampu ang Department of Environment and Natural Resources na may nakalaang P26.4 billion.

Bago ang third and final reading pumasa sa 2nd reading ang panukala pero dahil sa certified urgent ito ng pangulo isinalang sa iisang araw ang pagbasa rito kaya ang 3-day rule ay isinantabi ng Mababang Kapulungan.

Maituturing ding record-breaking ang pag-apruba ng kamara sa panukalang pondo sapagkat natapos ito, isang buwan matapos isumite ng Malakanyang ang National Expenditure Program.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na inaprubahan ng mababang kapulungan ang panukalang pondo sa second at third reading sa iisang araw matapos sertipikahang urgent ng pangulo.

Nanindigan naman ang Kamara na walang pork barrel sa ilalim ng inaprubahang budget kahit na nauna nang sinabi ni House Appropriations Senior Vice Chair Joey Salceda na mayroong alokasyon na tig-P100 million ang bawat kongresita.

TAGS: aprubado na ng Kamara, House Bill 4228, Kamara, P4.1 trillion 2020 General Appropriations Bill., Panukalang P4.1T 2020 national budget, aprubado na ng Kamara, House Bill 4228, Kamara, P4.1 trillion 2020 General Appropriations Bill., Panukalang P4.1T 2020 national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.