Piloto patay sa pagbagsak ng 2 seater plane sa Arayat, Pampanga

Patay ang isang piloto makaraang bumagsak ang isang 2 seater plane sa palayan sa Brgy. La Paz Turu, Arayat Pampanga.

Nangyari ang aksidente hapon ng Biyernes, Sept. 20 sa Purok 4 sa naturang barangay.

Sa inisyal na impormasyon ng Arayat Police, ang nasawing piloto ay nakilalang si Mark Hogget, 55 anyos at isang British National at residente ng Tarlac City.

Base sa pahayag ng mga residente, nakita nilang biglang nabago ang lipad ng eroplano hanggang sa dire-diretso nang bumagsak.

Ang eroplano ay isang 2-Seater White Quick Silver Ultra Light na may Body No. RPS2785 at pag-aari ng .

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...