Automatic promotion sa pagreretiro ng mga taong gobyerno inihirit ni Sen. Bong Revilla
Otomatikong promosyon ang gusto ni Senator Ramon Revilla Jr., na maipabaon sa pagreretiro ng mga opisyal at kawani ng gobyerno.
Inihain ni Revilla ang Senate Bill 1019 o ang Act Providing Automatic Promotion of Government Officials and Employees upon Retirement from Government Service.
Sa kanyang panukala, otomatikong pagtaas ng Salary Grade Level ang ibibigay sa magreretirong opisyal o kawani at ito ang pagbabasehan ng komputasyon ng kanilang retirement benefits.
Katuwiran ng senador sa kanyang panukala, nararapat lang na suklian ang ilang taon na pagseserbisyo ng mga opisyal at kawani.
Dagdag pa nito, napakahalaga na matiyak na lubos na mapapakinabangan nila ang kanilang mga benepisyo sa pag-alis nila ng serbisyo.
Binanggit pa ni Revilla ang tradisyon sa PNP kung saan nabibigyan ng promosyon ang magreretirong pulis kayat aniya nararapat lang na itulad sa kanila ng iba pang nagsisilbi sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.