MARINA mas pinaigting ang Ballast Water Management sa bansa

By Noel Talacay September 20, 2019 - 07:03 PM

MARINA Photo
Nagsagawa ng isang seminar workshop ang MARINA kaugnay sa pangangalaga at pagbibigay proteksyon ng mga marine life sa karagatan ng bansa.

Ayon kay MARINA Shipyards Regulation Service Director Ramon Hernandez, layon ng nasabing aktibidad ay para sa mga stakeholders ng Philippine Shipping ector na nagsimula noong Miyerkules (Sept.18) at nagtapos araw ng Biyernes (Sept. 20).

Bahagi aniya ng seminar workshop sa pagpapaigting ng Ballast Water Management (BWM), ito’y parang matiyak ang proteksyon ng mga marine life sa mga karagatang sakop ng bansa.

Sinabi rin nito na layunin ng nasabing workshop na maimulat ang sektor sa panganib, o banta ng hindi tamang pagtatapon ng tubig galing sa mga barko sa ating yamang dagat.

Paliwanag pa ni Hernandez na ang lahat ng barko ay nagkakarga ng tubig na kinuha mula sa karagatan at nilalagay sa kanilang ballast tank upang matiyak ang navigational safety nito, pero inilalabas din ito pabalik sa karagatan kung saan may kasama itong mga organismo o biological materials na nakakasama sa mga marine life.

Pahayag naman ng International Maritime Organization (IMO) na maituturing nabanta sa mga karagatan sa buong mundo ang BWM.

TAGS: Ballast Water Management, MARINA, MARINA Shipyards Regulation Service, Ballast Water Management, MARINA, MARINA Shipyards Regulation Service

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.