Lugar na may positibong kaso ng ASF umakyat na sa labing-isa
Umakyat na sa labing-isa ang bilang ng mga lugar na may positibong kaso ng African Swine Fever o ASF.
Ayon ito sa latest na datos mula sa Department of Agriculture (DA) na inilabas Biyernes (Sept. 20) ng hapon ay nadagdagan pa ang mga lugar na may kaso ng ASF.
Kabilang sa positibong may ASF cases ang mga sumusunod:
RODRIGUEZ, RIZAL:
1. Brgy. San Isidro
2. Brgy. San Jose
3. Brgy. Macabud
4. Brgy. Geronimo
5. Brgy. San Rafael
6. Brgy. Mascap
SAN MATEO, RIZAL:
7. San Mateo Slaughterhouse
ANTIPOLO CITY:
8. Brgy. Cupang
BULACAN:
9. Brgy. Pritil, Guiguinto
QUEZON CITY:
10. Brgy. Bagong Silangan
11. Brgy. Payatas
Ipinatupad na ang 1-7-10 protocol ng DA sa nasabing mga lugar na kapapalooban ng culling, quarantine at monitoring.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.