Sa latest weather bulletin ng PAGASA na inilabas alas 5:00 ng hapon ay huling namataan ang bagyo sa 630 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Halos hindi naman ito kumikilos.
Ayon sa PAGASA hanggang bukas ng tanghali ay makararanas ng pag-ulan dahil sa Habagat ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Calamian Islands.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Marinduque, Oriental Mindoro, Camarines Provinces, at nalalabing bahagi ng Central Luzon at sa northern portion ng Palawan.
Sa Sabado nakatakdang lumabas ng bansa ang bagyo.