Ayon sa DOH, isang limang taong gulang na batang lalaki mula Laguna ang tinamaan din ng sakit at nakumpirma ito sa pagsusuri ng Japan National Institute for Infectious Diseases.
Naranasan umano ng naturang bata ang simula ng pagkaparalisa noong August 25, 2019.
Sa ngayon, nakalabas na ng ospital ang bata at nakalalakad naman na.
Patuloy din siyang minomonitor sa posible pang sintomas.
Unang kinumpirma ng DOH na isang tatlong taong gulang na batang babae ang tinamaan ng polio sa Lanao del Sur.
READ NEXT
WATCH: Mga residente ng Brgy. Bagong Silangan sa Quezon City kusang giniba ang extension ng kanilang mga bahay
MOST READ
LATEST STORIES