Dalawa pang eroplano, lumapag sa artificial islands ng China

By Kathleen Betina Aenlle January 07, 2016 - 04:23 AM

mischief_reef west phil seaSa kabila ng mga batikos at protesta na inabot nang una nila itong gawin, hindi pa rin nagpaawat ang China sa pagpapalipad at pagpapalapag ng kanilang mga eroplano sa Kagitingan Reef sa pinag-aagawang Spratlys group of islands.

Kung noong January 2, isang civilian aircraft lang ang pinalapag ng China sa Kagitingan o Fiery Reef, sa pangalawang pagkakataon na naganap Miyerkules, January 6, dalawang civilian aircrafts na ang pinalapag nito sa parehong lugar.

Sa inilabas na pahayag sa Xinhua news agency, pinatunayan lamang ng dalawa nilang pinakahuling test flights na may kapasidad ang itinayo nilang airstrips na tumanggap ng malaking civilian aircraft.

Layon din ng pasilidad na ito na mas mapadali umano ang pagdadala doon ng mga supplies, tauhan at maging tulong medikal para sa mga mangangailangan doon.

Bukod sa Pilipinas at China, nakiki-agaw din sa nasabing teritoryo ang Vietnam na mariin ding kumokondena sa mga hakbang na ginagawa ng China.

Nagmula ang mga eroplano sa lungsod ng Haikou na kabisera ng probinsya ng Hainan.

Matatandaang tinambakan ng buhangin ng China ang ilang bahura sa Spratlys para angkinin ito, at tinayuan pa ng mga airstrips kung saan mailalapag nila ang kanilang sariling mga military aircrafts.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub