3 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cebu City; 2 menor de edad nailigtas

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 04:35 PM

Arestado ang tatlong katao kabilang ang dalawang itinuturing na high-value targets habang nailigtas ang dalawang menor de edad sa magkahiwalay na operasyon sa Cebu City.

Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Cebu City Police Office (CCPO) madaling araw ng Biyernes (Sept. 20) na nagresulta sa pagkakakumpiska sa P4 na milyon halaga ng shabu.

Sa unang operasyon sa Sitio Mahayahay II, Barangay Calamba, Cebu City, nadakip si Benjamin Saballa Jameto Jr., 18 anyos at kaniyang kasamahang si Christian Dave Abanid Dutallas, 18.

Naligtas naman ang dalawang kabataan na edad 16 at 16 na pinaniniwalaang parokyano ng mga suspek.

Si Jameto na tinukoy na high value target at nasa regional drug watchlist ay nakuhanan P3.5 million na halaga ng shabu.

Samantala, sa Arellano Boulevard, Barangay San Roque, Cebu City naman, naaresto si Garby Jumao-as, 40 anyos.

Isa ring high calu target si Jumao-as na nakuhanan ng P650,000 na halaga ng shabu.

Dalawang buwang isinailalim sa surveillance ng pulisya si Jumao-as bago ikinasa ang buy-bust.

TAGS: 3 arestado, buy bust, Cebu City, Cebu City Police Offic, dalawang menor de edad nailigtas, P4M na halaga ng shabu., 3 arestado, buy bust, Cebu City, Cebu City Police Offic, dalawang menor de edad nailigtas, P4M na halaga ng shabu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.