Ayon kay Salceda, hindi nangangahulugan na maaring ang mga kongresista ang mag-identify at magrekomenda ang mga ito ng proyekto sa alokasyon na P100M.
Ibabase anya ang proyekto sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan at saka lamang ito masasama sa mapopondohan kapag mapipili ng Department of Budget and Management (DBM).
Paglilinaw pa ni Salceda, ang mga proyekto sa ilalim ng 2020 national budget ay itemized at pinili base sa complete work plans at feasibility studies na isinumite ng mga district, provincial at regional authorities ng iba’t ibang tanggapan.
Muli namang tiniyak ng kongresista sa publiko na wala na ang pork barrel system o anumang illegal parking funds o lump sum sa pambansang pondo at hindi na kailanman maibabalik ito dahil committed ang kasalukuyang leadership ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maging relevant, responsive at reliable ang Kongreso.