P100M alokasyon ng bawat kongresista sa ilalim ng 2020 budget ipinaliwanag ni Rep. Salceda

By Erwin Aguilon September 20, 2019 - 04:18 PM

Ipinaliwanag ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairman Joey Salceda ang sinabi nito na P100M na alokasyon sa bawat mga kongresista sa ilalim ng 2020 budget.

Ayon kay Salceda, hindi nangangahulugan na maaring ang mga kongresista ang mag-identify at magrekomenda ang mga ito ng proyekto sa alokasyon na P100M.

Ibabase anya ang proyekto sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan at saka lamang ito masasama sa mapopondohan kapag mapipili ng Department of Budget and Management (DBM).

Paglilinaw pa ni Salceda, ang mga proyekto sa ilalim ng 2020 national budget ay itemized at pinili base sa complete work plans at feasibility studies na isinumite ng mga district, provincial at regional authorities ng iba’t ibang tanggapan.

Muli namang tiniyak ng kongresista sa publiko na wala na ang pork barrel system o anumang illegal parking funds o lump sum sa pambansang pondo at hindi na kailanman maibabalik ito dahil committed ang kasalukuyang leadership ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maging relevant, responsive at reliable ang Kongreso.

TAGS: 2020 budget, Department of Budget and Management, P100M alokasyon ng bawat kongresita, Rep. Salceda, 2020 budget, Department of Budget and Management, P100M alokasyon ng bawat kongresita, Rep. Salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.