Panibagong hazing incident na ikinamatay ng isang plebo sa PMA kinondena ni Kabataan Rep. Elago
Nagpahayag ng mariing pagkondina si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago sa panibagong insidente ng hazing sa Philippine Military Academy (PMA) na ikinamatay ng kadeteng si Darwin Dormitorio.
Sinabi ni Elago na nakisimpatya siya sa pamilya ng dalawampung taong gulang na Cadet 4th Class na halos dalawang buwan pa lamang mula nang pumasok sa PMA.
Dapat anyang imbestigahan ang hazing incident dahil hindi dapat nangyayari ang mga pagpatay sa paaralan lalo na sa isang prestihiyosong military academy.
Kailangan anyang malaman kung paano nasawi ang isang malusog na kadete bunsod ng “cardiac arrest secondary to internal hemorrhage”.
Bukod pa rito, nais malaman ni Elago kung anong hakbang ag ginawa ng mga awtoridad nang magreklamo ng pananakit ng tiyan at pagsusuka si Dormitorio ilang oras bago matagpuang walang malay sa isang kwarto sa PMA Mayo Hall Annex.
Una nang naiulat na inilagay na sa restrictive confinement ang upperclassmen at mga kaklase ni Dormitorio habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.