Lider ng local transport group sa Lucena City patay sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 03:50 PM

Patay sa pananambang ang lider ng isang transport group sa Lucena City.

Nakatayo lang sa harap ng isang karinderya si Aladin Villanueva nang siya ay tambangan ng nag-iisang suspek sa Barangay Dalahican alas 7:30 ng umaga ng Biyernes (Sept. 20).

Ayon kay Lt. Col. Reydante Ariza, hepe ng Lucena City police, ang biktima ay lider ng transport group ng mga tricycle sa lugar.

Isinugod pa sa St. Ann General Hospital ang biktima pero nasawi rin.

TAGS: Aladin Villanueva, Lider ng local transport group, Lucena City, Pananambang, patay, Aladin Villanueva, Lider ng local transport group, Lucena City, Pananambang, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.