2 patay, 1 kritikal sa pagbangga ng truck sa isang tricycle sa Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 03:30 PM

Dalawa ang patay, habang isa ang sugatan sa pagbangga ng truck sa tricycle sa Ilagan, Isabela.

Kapwa nasawi sa ospital sina Renelito Tacac at Celso Ferrer na parehong magsasaka at residente ng Cauayan City.

Nangyari ang aksidente sa Barangay Malalam sa Ilagan, Biyernes (Sept. 20) ng umaga.

Sugatan naman ang isa pa na nakilalang si Larry Limon.

Ayon sa mga otoridad, paliko ang truck na minamaneho ni Jaybee Boy Gambol, 25 anyos nang mabangga nito ang tricycle.

Patuloy pa ang pagsisiyasat sa insidente.

TAGS: 1 kritikal, 2 patay, Ilagan, isabela, pagbangga ng truck sa isang tricycle, Renelito Tacac at Celso Ferrer, 1 kritikal, 2 patay, Ilagan, isabela, pagbangga ng truck sa isang tricycle, Renelito Tacac at Celso Ferrer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.