Pagkasawi ng PMA cadet kumpirmadong dahil sa hazing

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 01:15 PM

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na hazing ang ikinasawi ng kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si Darwin Dormitorio.

Ayon kay Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, director ng Police Regional Office sa Cordillera, lumitaw sa medico-legal report ng Crime Laboratory na sinaktan si Dormitorio.

May pwersa umano na maaring mula sa pagsuntok at pagsipa partikular sa kanan at kaliwang bahagi ng katawan at sa tiyan ng kadete.

Ayon kay Dickson, sa ngayon ay mayroon na silang tatlong persons of interest sa pangyayari, ang dalawa ay third class cadets o nasa 2nd year at ang isa ay first class cadet o graduating student na.

Maari silang maharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law at maaring ma-kick out sa PMA.

Si Dormitorio ay nasawi noong September 18.

TAGS: hazing, PMA, PMA cadet, PNP, hazing, PMA, PMA cadet, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.