DA may mahuhugot na P1B para pigilan ang pagkalat ng ASF – Sen. Angara
Sinabi ni Senator Sonny Angara na ang Department of Agriculture ay may P1 bilyon Quick Response Fund mula sa kanilang Calamity Fund na maaring magamit para mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever.
Aniya napapanahon na para gamitin ang pondo dahil banta na ang sakit sa P280 bilyon halaga ng industriya ng baboy sa bansa.
Ayon kay Angara maituturing ng kalamidad ang ASF sa usapin ng magagawa nitong pinsala sa kabuhayan at kabahayan.
Pagdidiin ng senador kapag lumala ang sitwasyon nanganganib na ang trabaho ng mga libo-libong Filipino na ang kabuhayan ay nakasalalay sa baboy.
Sinabi nito na ang pondo para sugpuin ang sakit ay maaring hugutin sa P20 bilyon Calamity Fund ng NDRRMC at aniya ang DA ay may P1 bilyon QRF na dapat ay naipadala at nagagamit na ng mga kinauukulang ahensya.
Pinansin ni Angara na na noon lang nakaraang Setyembre 10 nang magpalabas ang Budget Department ng P82.5 million para magastos ng DA sa pagpigil sa pagkalat ng delikadong sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.