Pagdaragdag ng pondo ng DOH para sa polio pinag-aaralan ng Kamara
Ikinukunsidera ng Kamara ang pagdaragdag ng pondo Department of Health sa susunod na taon upang magamit sa bakuna kontra polio.
Ayon kay Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy kulang ang alokasyon na nakalaan para sa vaccination program ng pamahalaan sa polio sa susunod na taon.
Makikipag-usap aniya siya kay Speaker Alan Peter Cayetano hinggil dito para madagdagan ng P800 million ang pondo ng DOH sa polio vaccination.
Tiwala ang kongresista na bagama’t patapos na ang budget deliberations ng Kamara para sa 2020 proposed P4.1-trillion national budget ay magagawan pa ng paraan para maibigay sa DOH ang dagdag na pondo lalo pa at emergency situation kung ituring ang pagbabalik ng sakit na polio sa bansa.
Pahayag ito ng kongresista matapos na ideklara ng DOH ang polio outbreak sa bansa makalipas ang 19 na taon na libre sa naturang sakit.
Samantala, pumasok sa kasunduan ang Rotary Club International kung saan District Governor Herrera-Dy sa DOH upang tumulong na wakasan ang polio sa bansa.
Excerpt: Makikipag-usap si Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy kay Speaker Alan Peter Cayetano hinggil dito para madagdagan ng P800 million ang pondo ng DOH sa polio vaccination.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.