Paglaban sa communist insurgency prayoridad ng bagong chief of staff ng AFP

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 11:48 AM

Ang paglaban sa communist insurgency ang tututukan ng bagong talagang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines na si Lt. Gen. Noel Clement.

Ayon kay Clement, ang paglaban sa komunistang grupo ay hindi lang naman solong trabaho ng militar kundi ng buong bansa.

Malaking tulong partikular ayon kay Clement ang lokal na pamahalaan.

Aminado rin ang opisyal na kailangan pang magpatuloy ang modernization ng AFP para mapaigting pa ang kaakayahan ng sandatahang lakas.

Si Clement ay miyembro ng PMA Sandiwa Class of 1985.

Siya ang papalit kay outgoing AFP Chief of Staff Benjamin Madrigal Jr.

TAGS: AFP, armed forces of the philippines, Lt. Gen. Noel Clement, military, Radyo Inquirer, AFP, armed forces of the philippines, Lt. Gen. Noel Clement, military, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.