8 sa kinulektang blood samples sa mga baboy sa Quezon City positibo sa ASF ayon sa DA

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 11:38 AM

Kumpirmadong African Swine Fever ang ikinasawi ng walong baboy na kinuhanan ng blood samples sa Quezon City.

Ito ay base sa isinagawang confirmatory test ng Department of Agiculture (DA) at ng Bureau of Animal Industry (BAI).

Ayon sa QC local government ang official confirmatory test results ay nai-turn over na ng DA kay Mayor Joy Belmonte.

Sa kabuuan, 45 blood samples mula sa mga baboy sa Barangay Bagong Silangan at Payatas ang isinumite sa BAI.

Ang resulta ng pagsusuri sa iba pa ay hindi pa nailalabas.

Dahil kumpirmado nang may kaso ng ASF sa Quezon City ay pupulungin ni Belmonte ang mga hog raiser sa lungsod para talakayin ang proseso ng gagawing pagkatay sa mga alagang baboy sa dalawang apektadong barangay.

Naglaan naman ang City government ng P10-million na budget para sa financial assistance sa mga ASF-affected area.

TAGS: African Swine Fever, ASF, quezon city, African Swine Fever, ASF, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.