Bank Holiday sa Greece

June 29, 2015 - 02:00 PM

Closed-Sign
Larawan mula sa Google

Nagpatupad na ng pitong araw na bank holiday sa buong Greece.

Simula Lunes ng umaga, (oras sa Pilipinas) tatagal hanggang July 6 ang pagsasara ng mga mga bangko sa naturang bansa.

Inanunsyo ang deklarasyon sa official gazette ng pamahalaan ng Greece na may titulong “Bank Holiday break”.

Limitado na rin sa 60 euros (65 US dollars) kada araw sa bawat ATM card ang maaring ma-withdraw ng publiko habang umiiral ang bank holiday.

Ayon sa kautusan na nilagdaan nina President Prokopis Pavlopoulos at Prime Minister Alexis Tsipras, ang pagpapairal ng bank holiday at limitasyon sa halaga ng maaring ma-withdraw ay bahagi ng kanilang solusyon sa nararanasang financial problem.

“The extremely urgent and unforeseen need to protect the Greek financial system and the Greek economy due to the lack of liquidity caused by the Eurogroup’s decision on June 27 to refuse the extension of the loan agreement with Greece”, nakasaad sa kautusan.

Sa July 7 ay muling magbubukas ang mga bangko habang babalik sa normal na operasyon ang mga ATMs sa tanghali ng July 6.

Ilang oras bago tuluyang maipatupad ang bank holiday at ang limitasyon sa halagang maaring ma-withdraw sa ATM, dumagsa na ang mga depositors sa mga bangko para makapag-withdraw ng kinakailangan nilang halaga.

Karamihan sa mga ATM ay naubusan ng pondong salapi. / Dona Dominguez-Cargullo

 

TAGS: atm, bank holiday, Greece, atm, bank holiday, Greece

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.