Bagyong Nimfa bumagal pa ang kilos, napanatili ang lakas habang nasa Philippine Sea

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 11:17 AM

Bumagal pa ang kilos ng Tropical Storm Nimfa na huling namataan ng PAGASA sa layong 620 kilometrers East Northeast ng Basco, Batanes.

Ayon sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyon West Northwest.

Ngayong araw hanggang bukas ng umaga sinabi ng PAGASA na ang Habagat ay magkakatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bataan, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan din ang maaring maranasan sa Metro Manila, Oriental Mindoro, Marinduque, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian Islands at ang nalalabi pang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.

Bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

TAGS: Nimfa, philippine sea, Tropical storm, Nimfa, philippine sea, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.