Dalawang nagpakilalang miyembro ng MILF arestado sa checkpoint sa Sultan Kudarat
Dalawang magsasaka at hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang naaresto sa isang checkpoint sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Kinilala ang mga naaresto na sina Datu Ebrahim Egal, 23 anyos at Ali Mama Unting, 32 anyos na resident ng Barangay Rebuken.
Ayon kay Sultan Kudarat Police chief, Police Major Julhamin Asdani, naharang ang dalawa sa isang checkpoint bandang alas-11:00 huwebes ng umaga sakay ng isang Toyota Corolla sedan.
Nakuha sa kanilang sasakyan ang isang M16 rifle na puno ng bala at isang kalibre .45.
Dagdag ni Asdani, nagpakilala ang dalawa na miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF pero walang maipakitang dokumento.
Mananatili sa kustodiya ng pulisya ang dalawa bagamat ipinarating na rin sa GPH-MILF peace panel ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.