Muling imbestigasyon sa Mamasapano massacre, welcome sa pamilya ng SAF 44

Maging ang mga kamag-anak ng SAF 44 ay positibo ang tugon sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa pagkamatay ng mga ito.
Ayon kay Merlyn Gamutan, biyuda ni Sr. Insp Joey Gamutan na isa sa mg napaslang na SAF 44 commandos, hindi dapat makalimutan ng taumbayan ang naturang insidente at ang sakripisyo ng mga tauhan ng Special Action Force.
Samantala, umaasa naman si Marilyn Tayros, kapatid ni Chief Insp. Reiner Tayros na hindi pulitika ang dahilan kaya’t muling bubuksan ang imbestigasyon sa SAF 44.
Batid nila aniyang malapit na ang eleksyon.
Nanawagan din si Tayros sa mga senador na magsasagawa ng panibagong imbestigasyon na huwag magpa-impluwensya sa sinumang pulitiko pagdating sa paghahanap ng katotohanan sa mga pangyayari.
Matatandaang January 25, nakatakdang muling buksan ng senado ang inquiry sa pagkamatay sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng SAF 44 at mga MILF.
Naganap ang engkwentro habang tinutugis ng mga SAF ang teroristang si Marwan noong January 25, 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.