Ibang paraan sa pagpapatayo ng mga paaralan dapat pag-aralan ayon kay Sen. Gatchalian

By Jan Escosio September 20, 2019 - 10:05 AM

Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang gobyerno na ikunsidera ang mga ibang pamamaraan sa pagpapagawa ng mga public schools para maiwasan na ang mga pagkakaantala sa mga proyekto.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa Department of Budget (DBM) na suriin ang ginagawang pag-estima para sa pagpapagawa ng mga classrooms.

Nababagalan si Gatchalian sa pagpapagawa ng mga paaralan at aniya ito ang dahilan kayat nanatiling malaki ang kakulangan sa bilang ng mga classrooms para sa lumulubong bilang ng mga mag-aaral.

Binanggit ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education, sa 28,180 classroom target noong nakaraang taon, 11 lang ang natapos, higit 2,400 ang ginagawa pa at higit 8,000 naman ang nasa procurement stage pa lang.

Suhestiyon pa ng senador maaring makakuha ng tulong ang gobyerno mula sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Partnership para mapabilis ang pagpapagawa ng mga eskuwelahan.

Isa pa aniya na opsyon ay hayaan ang mga school divisions ang mapagawa ng kanilang school buildings sa halip na DPWH.

Ipinunto ni Gatchalian dahil sa kakulangan sa classroom nagiging atrasado din ang pagpapatupad sa mga mahahalagang programa at proyekto ng DepEd sa usapin ng pagbibigay ng edukasyon.

TAGS: classrooms, deped, DPWH, Radyo Inquirer, School building, classrooms, deped, DPWH, Radyo Inquirer, School building

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.