Tatlo patay sa sunog sa home for mentally disabled sa Wisconsin

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 09:58 AM

Patay ang tatlong katao sa sunog na naganap sa home for intellectually disabled people sa eastern Wisconsin.

Natupok ng apoy ang Fond du Lac group home at natagpuan ang tatlong nasawi sa ikalawang palapag ng gusali.

Dalawa naman ang nagawang makalabas nang sumiklab ang apoy at sila ang tumawag sa mga bumbero.

Ayon kay to Fond du Lac Fire Chief Peter O’Lear, inaalam pa nila kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Bubusisiin naman ng mga otoridad kung gumana ang smoke alarms ng pasilidad.

Ang naturang pasilidad ay para sa mga nakatatanda na walang nag-aalaga o ‘di kaya ay hindi kayang alagaan ang sarili.

TAGS: Fond du Lac, home for mentally disabled, Wisconsin, Fond du Lac, home for mentally disabled, Wisconsin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.