Mass vaccination laban sa polio ilulunsad na ng DOH

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 09:42 AM

Sa susunod na mga linggo ay maglulunsad na ng mass vaccination ang Department of Health (DOH) laban sa polio.

Ito ay kasunod ng muling pagkakaroon ng kaso ng polio sa bansa makalipas ang 19 na taon na pagiging polio free.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Health Undersecretary Eric Domingo, hinimok nito ang publiko na makiisa sa mass vaccination kontra polio.

Aniya ang naturang bakuna ay napatunayan nang epektibo at ligtas.

Bagaman isa pa lamang ang nakumpirmang kaso ng polio sinabi ng DOH na nakababahala ang pagbabalik ng kaso ng sakit.

Ayon kay Domingo, edad 5 at pababa ang karaniwang tinatamaan ng sakit.

Maliban sa tatlong taong gulang na bata sa Lanao del Sur na kumpirmadong may polio ay mayroon pang isang hinihinalang kaso ng sakit na kinukumpirma pa ngayon ng DOH.

TAGS: department of health, Health, mass vaccination, Polio, vaccine, department of health, Health, mass vaccination, Polio, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.