1 patay sa pagbaha sa Houston, Texas dahil sa Tropical Storm Imelda

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 08:58 AM

Nakapagtala na ng isang nasawi bunsod ng nararanasan malakas na buhos ng ulan na nagdulot na ng pagbaha sa Texas.

Ang Tropical Storm Imelda ay nagdulot ng torrential rains sa Houston-area dahilan para bahain ang lugar.

Daan-daang katao ang kinailangang sagipin matapos abutin ng ng pagbaha sa lansangan.

May mga biyahe na rin ng eroplano na naapektuhan sa George Bush Intercontinental Airport at libu-libo ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Payo ng mga otoridad sa mga residente manatili na lamang sa kanilang tahanan at huwag na munang lumabas.

Ang mga nasa paaralan naman na ay pinayuhang manatili na lang sa loob ng eskwelahan kung saan sila mas ligtas, gayundin ang mga nasa kanilang opisina.

Ayon sa Jefferson County Sheriff’s Department, isang lalaki ang nasawi sa southeast ng Houston makaraang makuryente habang inililikas sa ligtas na lugar ang kaniyang kabayo.

Daan-daang motorista din ang na-stranded sa loob ng kanilang sasakyan dahil biglaan ang pagbaha sa kalsada.

TAGS: houston, Texas, torrential rains, tropical storm imelda, houston, Texas, torrential rains, tropical storm imelda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.