Pemberton, pinababasura ang homicide verdict sa pagpatay kay Jeffrey Laude.

By Jay Dones January 07, 2016 - 04:21 AM

 

Inquirer file photo

Naghain ng apela ang panig ni Lance Coprporal Joseph Scott Pemberton sa korte na layong mabaligtad ang guilty verdict sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey ‘Jennifer’ Laude.

Bukod dito, naghain din ng hiwalay na mosyon si Atty. Rowena Garcia- Flores, abugado ni Pemberton na layong maibaba ang sentensya sa convicted na US Marine.

Si Pemberton ay nahaharap sa 6 hanggang 12 taong pagkabilanggo sa kasong pagpatay kay Jennifer Laude matapos mapagtanto ng sundalo na isa palang transgender ang kanyang nakatalik noong October 2014.

Kasalukuyan itong nakakulong sa Camp Aguinaldo batay sa kautusan ng Olongapo City Regional Trial Court.

Bukod sa pagkakakulong pinagbababayad din si Pemberton ng mahigit sa apat na milyong piso sa pamilya Laude bilang danyos sa pagpatay nito sa biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.