NCRPO, tatalima sa utos ng DOJ na ihinto muna ang muling pag-aresto sa heinous crime convicts na nakalaya dahil sa GCTA law

By Dona Dominguez-Cargullo September 20, 2019 - 08:34 AM

Agad tumugon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa utos ng Department of Justice (DOJ) na itigil muna ang muling pag-aresto sa mga heinous crime convicts na nakalaya dahil sa GCTA law.

Ayon kay Police Major General Guillermo Lorenzo Eleazar ng NCRPO, pansamantala na nilang ipinagpaliban ang pag-aresto.

Inatasan din ni Eleazar ang mga tauhan na itigil muna ang manhunt sa mga hindi pa sumusuko.

Pero ayon kay Eleazar patuloy na babantayan at imo-monitor ang mga ito.

Ang mga dati naman nang sumuko ay mananatili na sa kostodiya ng mga otoridad.

Una nang sinabi ng DOJ na may kailangan munang ayusin sa listahan ng mga nakinabang sa GCTA law, matapos may makitang 40 pangalan na hindi dapat kabilang sa listahan.

TAGS: GCTA Law, Guillermo Lorenzo Eleazar, NCRPO, ng Department of Justice, GCTA Law, Guillermo Lorenzo Eleazar, NCRPO, ng Department of Justice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.