Kung malamig pa ngayon, asahan ng mga Pinoy ang mas mainit na summer para sa taong ito.
Ayon sa PAGASA, malaki ang posibilidad na umabot sa 41.5 degrees Celsius ang antas ng temperatura sa Luzon sa buwan ng Mayo.
Ang mainit na panahon ay posibleng umabot pa ng hanggang katapusan ng June dahil sa epekto ng el Niño.
Inaasahang sa buwan ng February, aabot na sa 39.3 degrees Celsius ang temperatura sa Visayas samantalang sa March naman, asahan na ang hanggang sa 39.5 degrees sa Mindanao.
Sa maynila, posibleng umakyat ang agwat ng temperatura sa pagitan ng 38 hanggang 38.6 sa April.
Para sa taong ito, inaasahang makakaranas ng isa sa mga pinakamatinding epekto ng El Niño ang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.