20 patay sa suicide bombing sa ospital sa Afghanistan

By Rhommel Balasbas September 20, 2019 - 05:03 AM

AP Photo

Nasawi ang hindi bababa sa 20 katao habang halos 100 ang sugatan matapos pasabugin ang isang truck malapit sa ospital sa Qalat City, southern Afghanistan, araw ng Huwebes.

Ayon sa local media, karamihan sa mga biktima ng pag-atake ay mga doktor, pasyente at mga bisita sa ospital.

Inako ng Taliban insurgents ang pag-atake na tila pagpapaigting sa bantang karahasan papalapit ang presidential elections sa September 28.

Halos nagkadurog-durog ang mga bahagi ng hospital building, kalapit na mosque at mga ambulansya.

Ayon sa mga residente, naganap ang pag-atake ilang sandali lamang matapos ang morning prayers.

Samantala, 16 na tao ang nasawi karamihan ay mga sibilyan matapos ang umano’y air strike ng US laban sa Islamic State militants sa eastern Nangarhar.

Ang panibagong insidente ng karahasan kahapon ay matapos lamang ang dalawang magkahiwalay na pagsabog kung saan ang isa ay target si Afghan President Ashraf Ghani.

Patay sa dalawang suicide bombing ang 48 katao.

TAGS: afghanistan, September 28 presidential elections, Taliban, violence, afghanistan, September 28 presidential elections, Taliban, violence

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.