M3.3 na lindol naitala sa Biliran

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bahagi ng Biliran alas-3:39 Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong dalawang kilometro Timog-Silangan ng Naval.

May lalim ang pagyanig na pitong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...