Driver kritikal sa karambola ng 3 truck sa Osmeña Highway
Kritikal ang isang driver ng 16-wheeler truck matapos itong maipit sa minamanehong sasakyan dahil sa karambola sa iba pang truck sa Osmeña Highway sa bahagi ng Makati City.
Ayon sa otoridad, “non-responsive” ang driver at ginagawan ito ng CPR ng Makati Rescue nang dalhin sa Palanan 24-7 Primary Health Care.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nasa itaas na bahagi ng flyover ang nakaa-aksidenteng isa pang truck na may tatak na MMJ at may plakang AKB 4852.
Mabagal umano ang takbo ng mga sasakyan sa southbound nang dumausdos ang nakabanggang truck.
Dahil dito ay tumama ang truck sa kasunod na dalawa pang truck, isa rito ang minamaneho ng biktima.
Ayon sa ibang driver, walang ilaw ang naka-asksidenteng truck kaya hindi napansin na umaatras ito.
Tumakas ang driver at pahinante ng nakabanggang truck na naglalaman umano ng buhangin.
Nagdulot naman ng matinding trapik ang aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.