106 tracker teams ipakakalat para arestuhin ang mga pugante ng GCTA

By Rhommel Balasbas September 20, 2019 - 04:18 AM

Simula na ng manhunt laban sa mga hindi sumukong heinous crime convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ito ay dahil tapos na ang 15 araw na ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumuo ng 106 tracker teams mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para arestuhin ang 197 pugante na hindi sumuko sa grace period.

Hanggang alas-11:11 kagabi, umabot lamang sa 1,717 heinous crime convicts ang sumuko sa kabuuang 1,914.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, ang ipakakalat na CIDG tracker teams ay bibigyan ng revised lists ng mga pugante.

Gagawin anya lahat ng PNP para muling maaresto ang mga pugante alinsunod sa standard operating procedure at nang may paggalang sa karapatang pantao.

Ayon pa kay Banac, isasagawa ang manhunt may reward man o wala ngunit makatutulong din anya ang pabuya para mahikayat ang mga posibleng impormante laban sa mga convicts na ayaw sumuko.

Nakatakdang ibigay ng Department of Justice (DOJ) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang revised list ng mga aarestuhin upang maiwasan ang mga kaso ng mistaken identity.

 

TAGS: CIDG, convicts, deadline, DILG, DOJ, GCTA, manhunt, mistaken identity, PNP, pugante, reward, sumuko, tracker team, CIDG, convicts, deadline, DILG, DOJ, GCTA, manhunt, mistaken identity, PNP, pugante, reward, sumuko, tracker team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.