Visayas at Mindanao apektado ng haze mula sa Indonesia forest fires

By Rhommel Balasbas September 20, 2019 - 04:08 AM

CDND PHOTO / Doris Mondragon

Lumalabas sa mga tests na isinagawa ng environment agencies na nakarating na sa iba’t ibang lalawigan sa Visayas at Mindanao ang traces ng haze mula sa forest fires sa Indonesia.

Isinailalim sa haze alert ang Palawan, Iloilo, Guimaras, Antique, Aklan, Capiz, Negros Occidental, Negros Oriental, Cebu, Bohol, Siquijor, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Samar, Northern at Eastern Samar at Dinagat Island.

Sa Mindanao, nasa haze alert na rin ang Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Maguindanao, South Cotabato, Sultan Kudarat, Cotabato, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental at Sarangani.

Kinumpirma ng advisory mula sa Environmental Management Bureau (EMB) – Central Visayas na apektado ng haze ang Metro Cebu at ibang bahagi ng Visayas.

Ayon sa EMB, ang particulate matter na natagpuan sa hangin sa Metro Cebu araw ng Miyerkules ay 56 micrograms per cubic meter, lampas na sa safe guideline value na 50 micrograms per cubic meter.

Ang haze dulot ng forest fires ay posibleng magdulot ng air pollution, at mapanganib sa kalusugan ng tao dahil nagdudulot ito ng respiratory tract infections at cardiac ailments.

Ayon kay Cindy Pepito-Ochea ng EMB Central Visayas, dapat magsuot ang publiko ng protective equipment tulad ng dust masks at goggles.

Pinapayuhan din ang mga wala namang gagawin sa labas na manatili na lamang sa mga bahay at laging isara ang kanilang mga pinto at bintana.

Samantala, sa isang ambush interview, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na binabantayan na rin nila ang kalidad ng hangin kung lampas na ito sa acceptable levels.

Naghahanda na anya ang DOH para sa distribusyon ng protective equipment tulad ng face masks kung sakaling magpapatuloy ang pagkalat ng haze sa Pilipinas.

Ang haze mula sa forest fires sa Indonesia ay nahahatak ng southwest monsoon o Habagat patungo sa bansa.

Samantala, binalaan ng PAGASA ang publiko tungkol sa isang Facebook page na nagpopost ng pekeng ‘Haze Bulletin’.

Ang page na may pangalang ‘DOST_PAGASA Visayas’ ay hindi umano mula sa ahensya.

Ayon sa PAGASA, hindi sila naglalabas ng anumang ‘Haze Bulletin’.

Nagpaa-alala ang PAGASA hinggil sa kanilang official accounts at website:

Website: bagong.pagasa.dost.gov.ph

Facebook: Dost_pagasa

Twitter: @dost_pagasa

YouTube: DOST-PAGASA WEATHER REPORT

 

TAGS: doh, dust mask, Environmental Management Bureau, face mask, facebook page, forest fires, goggle, habagat, Haze, haze alert, Haze Bulletin, indonesia, Mindanao, Pagasa, peke, Visayas, doh, dust mask, Environmental Management Bureau, face mask, facebook page, forest fires, goggle, habagat, Haze, haze alert, Haze Bulletin, indonesia, Mindanao, Pagasa, peke, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.