Sarah Geronimo maid of honor sa kasal ng kapatid ni Matteo Guidicelli

Naging busy ang singer-actress na si Sarah Geronimo hindi para sa event nila ni Matteo Guidicelli kundi sa kasal ng kapatid ng kanyang boyfriend.

Si Sarah ang tatayong maid of honor sa kasal ni Giorgia Guidicelli.

Isa ang dalaga sa naging punong abala sa pre-wedding events gaya ng bridal shower.

Ibinahagi sa social media nina Sarah at Matteo ang mga larawan ng bridal shower.

Mistulang isang pajama party ang bridal shower at nakasuot ng “comfy” attire ang mga dumalo.

Nananatiling pribado ang magkasintahan pagdating sa kanilang relasyon kaya pambiharang pagkakataon na ibinahagi ng dalawa ang naturang event ng kanilang pamilya.

Matatandaan na sa isang concert noong nakaraang taon kung kailan nagkaroon ng breakdown si Sarah ay sinabi ng sister in law to-be nito na si Giorgia na “looking forward” ang kanilang pamilya sa mga adventures kasama ang singer.

Read more...