DOH: Dengue cases pababa na matapos ang peak noong Agosto
Nasa downward trend na ang kaso ng dengue sa Pilipinas matapos ang peak noong Agosto ayon sa Department of Health (DOH).
Sa pahayag araw ng Huwebes, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na noong Agosto, kasagsagan ng peak, ay umabot sa 20,000 ang kaso ng sakit kada linggo.
Sa ngayon anya ay mas mababa na ang naitatalang dengue cases na umaabot na lamang sa 12,000 hanggang 13,000 kada linggo.
Sa kabila nito, sinabi ni Domingo na dapat pa ring paigtingin ang 4’o clock habit dahil sa mga nararanasang pag-ulan.
Inaasahan anyang makapagtatala pa rin ng mga kaso ng dengue hanggang sa katapusan ng Nobyembre.
Magugunitang nagdeklara ng national dengue epidemic ang DOH noong Agosto matapos umabot sa 146,062 ang bilang ng dengue cases sa bansa hanggang noong July 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.