Duterte: Hacienda Luisita ‘fly in the ointment’ ng land reform program ni Cory

By Rhommel Balasbas September 20, 2019 - 01:55 AM

E.I. REYMOND T. OREJAS

Muling nagpasaring si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa hindi pagsama sa Hacienda Luisita sa land reform program ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Sa talumpati sa harap ng mga dating rebelde sa Jamidan, Capiz araw ng Huwebes, tinawag ng pangulo na ‘fly in the ointment’ ang Hacienda Luisita sa land reform program ni Aquino.

Ang ‘‘fly in the ointment’ ay isang idiomatic expression o sawikain na nangangahulugang drawback o balakid.

Ayon sa pangulo, ang nakasagabal sa maganda sanang programa ni Aquino ay ang hindi pagsama sa lupang pagmamay-ari mismo ng kanyang pamilya.

“The law says that there will be land reform, although Cory inexempt niya ‘yung lupa niya. ‘Yun, that was the fly in the ointment. ‘Yun ang nagka-leche doon,” ani Duterte.

Sa talumpati noong Agosto 28 sa Quezon City una nang sinabi ng pangulo na wala siyang kahit anumang sama ng loob sa pamilya Aquino.

Gayunman, tinawag ni Duterte na “greatest aberration” o malaking iregularidad ang hindi pagsama sa Hacienda Luisita sa land reform program na sentro ng social legislative agenda ng administrasyon ni Cory Aquino.

Noong 2011 ipinag-utos na ng Korte Suprema ang pamamahagi sa 4,915 ektaryang lupain ng Hacienda Luisita sa mga benepisyaryong magsasaka.

Agosto 27 ngayong taon nakumpleto na ang distribusyon ng natitirang 112 ektarya ng Hacienda Luisita sa land reform beneficiaries.

 

TAGS: 800 ng iba't ibang klase ng mga panamin ang mga magsasaka, benepisyaryo, dating Pangulong Corazon Aquino, fly in the ointment, greatest aberration, Hacienda Luisita, Land Reform Program, magsasaka, Rodrigo Duterte, 800 ng iba't ibang klase ng mga panamin ang mga magsasaka, benepisyaryo, dating Pangulong Corazon Aquino, fly in the ointment, greatest aberration, Hacienda Luisita, Land Reform Program, magsasaka, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.